Wednesday, January 2, 2013

Tunay na Kaibigan?


Masarap makahanap ng tunay na kaibigan
             
              Magandang araw giliw kong mga ka-blog, bigla ko lamang naalala ang isang kaibigan na dumaan sa buhay ko, Oo tama para sakin ang isang taong naging concern sayo kahit sa maiksing panahon ay maituturing mong kaibigan, ngunit naisip mo ba minsan kung sya ay tunay na kaibigan nga o nagpapangap lang? Sa edad kong ito, di pa naman ako masyadong matanda pero madami na rin akong nakilalang tao, totoo naman talaga na merong mga mababait at merong mga plastik, pero kahit ano pa sila ang importante dun ay yung pinakita mo sa kanila kung gaano ka katotoo yung tipong hindi mo isusumbat yung bagay na naitulong mo sa kanila, kung paano nila susuklian ang mga kabutihang pinakita mo sa kanila, maging pera man ito, pabor o bagay na may kinalaman sa inyong dalawa. 
              Hindi naman mahirap magmahal ng kaibigan lalo na yung kaibigan na marunong makiramdam.. iba iba naman kasi talaga ang ugali ng tao sa mundo ang maganda lang doon kapag nahanap mo yung tao na kaparehas mo ng trip, ng libangan, ng gustong gawin, o ng mga bagay na gusto nyong gawin magkasama, ung parehas nyong pinapangarap, masaya talaga na yung kaibigan mong iyon ay hindi ka sinasamahan dahil may bagay lang sya na hinahangad sayo, kung iisipin mo na pera lang ang habol nya sayo sana isipin mo din na baka mahirap ka pakisamahan kaya nagtsatsaga sya sumama sayo, tumbasan mo na lang ng pera ang pagsama nya sayo kung yun nga ang iniisip mo, kung iisipin mo naman na tila mukha kang artista ka kaya ka nya kinaibigan mag isip ka wag ka naman feeling gwapo or maganda, hindi maganda na binubuhat natin ang sarili nating bangko mas mainam na magpakumbaba at magpasalamat sa binigay na mukha huwag mayabang laging tandaan mas mahalaga padin ang panloob na kaanyuan...

                                                                                                                 to be continue..

No comments:

Post a Comment